Okay, first of all... Gusto ko lang malaman nyo ang reason kung bakit ko gustong gumawa ng kwento tungkol sa ipis...
Well... actually... Recently kasi, sunod-sunod yung mga ipis na dumadapo sakin... Sa paa, sa mukha, sa dibdib, at sa ano ko! Sa kamay ko nyahahaha!
Sa totoo lang hindi ako takot sa ipis, sadyang nakakadiri at makati lang talaga yung pointed at mabuhok nilang mga paa, kasi malamang uso sa kanila ang "No-Shave-Legs-Day"...
So anyway, let's proceed on my story na, this is a very sensible and touching story...
Brace Yourselves everyone, here it is!
Bakit Tinawag na "Ipis" ang Ipis at Mahilig Silang Mang-Inis?
Noong unang panahon, mga 284 BC to be exact, ang mga ipis ay hindi kinamumuhian ng mga tao. Madalas pa nga nilang nakakasalamuha ang mga ito at hindi itinuturing na peste (friends nga kasi di ba?) dahil napakalinis ng mga ito sa katawan. Minsan pa nga eh kasabay pa nito kumain mga tao sa iisang pinggan at pinaparami pa sila para masaya. Ngunit ang hindi alam ng karamihan ng mga tao ngayon ay hindi marunong lumipad ang mga ipis noon kahit may mga pakpak ito.
Isang araw, may ipis na nagngangalang Roach, oo, uso na ang mga ganyang pangalan noon at isa pa, royal blood kasi sya. Naniniwala rin sya na balang-araw na makakalipad sya sapagkat naniniwala sya sa mga fairy. Madalas syang kinaiinisan ng mga kapwa nya ipis sapagkat mahilig syang mang-inis at napakarumi nito sa katawan. Minsan pa nga pinapahiran nya ng dumi ng tao ang mga kapwa nya ipis at natutuwa pa ito.
Dumating ang araw na marami nang nagrereklamong ipis sa kanya hangga't nakarating sa kanyang ama na si Haring Freddie. Mungkahi ng mga kapya niyang ipis na gawing "exile" si Roach sapagkat isa syang kahihiyan sa lahi ng mga ipis at kung hindi pagbibigyan ng hari ang kanilang mungkahi ay mapipilitan silang mag-ahit ng binti bilang protesta at matanggal ito sa pwesto.
Walang nagawa ang hari kundi ipatapon ang kanyang anak na si Roach via Ilog Pasig. Pinapalundag sya ng mga kapwa nya ipis sa maruming ilog na ito ngunit hindi naman ito marunong lumangoy. Ang ginawa nya na lamang ay manindigan na makakalipad sya sapagkat naniniwala sya sa fairy. Bago ito tumalon ay sumigaw ito ng:
"I do believe in fairies!"
Sabay sabi ng isang ipis:
"Gago!"
Sabay tulak sa kanya. Hindi makapaniwala ang lahat nang makalipad itong si Roach, ang nasabi nya na lamang bago ito lumayo ay:
"I can fly muthafuckah!".
Isang gabi ay nakarating sya sa isang bahay para magpahinga. Nakita nya ang isang tao na natutulog at naisipang pagtripan nya ito. Naghanap sya ng dumi ng tao at pinahid nya ang buong katawan nya doon para ipahid sa taong natutulog.
Dali-dali syang lumapit sa tao at dinaanan nya ito sa may mukha at nagulat ito at sinabing:
"Puta ano yon?"
Nagulat si Roach at napalingon sa taong pinagtripan nya at sinabing:
"Eh? Peace!"
So sobrang inis nung lalaki ay kumukha ito ng tsinelas at sinabing:
"Eh Peace? Itong sayo!"
At inihampas sa kanya ito at napisat si Roach.
Mula noon ay tinawag na silang "Ipis" matapos nitong ichismis sa kanyang kapwa tao ang nangyari sa kanya.
Mula noon ay tinawag na silang "Ipis" matapos nitong ichismis sa kanyang kapwa tao ang nangyari sa kanya.
Isang araw ay may ipis na nakakita sa bangkay ni Roach na nakahandusay sa daan. Dinala nya ito sa kanilang kaharian at nalaman ni Haring Freddie ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang anak. Napag-alaman nilang isang tao ang nakapatay sa kanya dahil may bumakat na "Havaianas" sa katawan nito.
Nagdalamhati ang mga ipis sa sinapit ni Roach at pinagsisisihan ang nagawa nito sa kanya. Sa sobrang galit ni Haring Freddie ay napasigaw ito ng:
"I DO BELIEVE IN FAIRIES!"
Kunsintidor naman itong mga kapwa nya ipis at napasabay:
"I DO! I DO! I DO BELIEVE IN FAIRIES! I DO! I DO! I DO BELIEVE IN FAIRIES!"
Unti-unting nakalipad ang mga ipis at napagkasunduan na pagtripan ang mga tao bilang pag-alaala kay Roach. Mula noon, tuwing mapapadaan ang mga ipis sa mga bahay-bahay ay pinagtitripan nito ang mga tao at ito na ang kanilang nakagawiang buhay hanggang sa ngayon.
THE END
Nakakaiyak di ba? At sobrang may sense yung story ko hahahah!
Ngayong alam nyo na kung bakit? Sisihin natin ang mga fairies kung bakit nakakalipad ang mga ipis at mas na-improve pa nito ang Trolling Tactics nila.
'Til next time everyone, thanks for reading! harhar!